Tuesday, October 31, 2017

BUCKET LIST, AGAIN?




And because its a holiday today, malaya ang utak ko. Therefore empty siya today hahahaha... hindi biro lang. Tipong relax na today kesa nung mga nakaraang araw na feeling ko sasabog na siya sa sobrang pressure. At sobrang pinahirapan ako dahil sumakit siya buong maghapon. Kinailanagan ko pang inuman ng gamot.. Arghhhh. Anyways....

I was reading Maine Mendoza's Yup I am that girl book again for the second time tonight. Oo, wala akong sawa, kasi hindi naman nakakasawang basahin ng paulit ulit in the first place. Tapos napaisip ako. Oo nga noh, kamusta na nga ba rin yung bucketlist ko? Yikes, parang tumigil saglit utak ko na blanko eh. Hahaha

Ang huli kong nagawa was makapag travel abroad. Yun na yun! I mean yung nasa bucketlist ko ha.. Hindi naman ako nagmamadali (ehem.. masaya mabuhay noh) pero baka kasi sobrang busy ko na masyado sa buhay nakalimutan ko na rin pano mabuhay. Alam mo yun?! (gulo ko diba).

So yun! feeling ko I need to write down my bucket list/ goals again. Kasi sa totoo lang parang gumewang gewang yung lakad ko eh. For a long while nawala ako sa hulog sa sobrang busy ng life to the point na parang nakakain lagi yung energy ko at nawawalan ako ng motivation. Hindi ko pa man din trip yung paulit ulit. I needed that push eh, paki tulak nga po ako! hahaha... Tamang tama 2 months nalang malapit na matapos ang taon. Maganda rin malaman natin or aware tayo, ano nga ba ang mga kaganapan sa buhay buhay natin from time to time. Para at least attach pa din tayo sa reality, sa mundo at alam mong buo pa din pagkatao mo. Teka sino ba kausap ko, halloween pa man din ngayon hahaha.. charot lang. Sige sulat muna ako ha! :)







P.s. Yup, isa akong fan ni Ms. Maine Mendoza, more than Aldub Maichard fan ako hahaha.... :) Silent nga lang, ganun talaga pag kampante. Aasarin na naman ako ng asawa ko neto. Hahaha :)